Hindi pabor ang halos 90% ng Pilipinong maamyendahan ang 1987 Constitution sa ngayon, ayon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia noong Miyerkules (Marso 27).

Sa harapang panayam na ikinasa ngayong Marso, napag-alamang karamihan sa mga Pinoy ang hindi pabor sa 10 iminumungkahing pagbabago sa Saligang Batas:

pabor ngayon: 8%
hindi pabor ngayon: 88%
hindi pa alam: 4%

Dagdag pa rito, ang mga sumusunod na inimumungkahing pagbabago sa naturang Saligang Batas ay ntinutulan rin ng karamihan sa mga sumagot na mamamayang Pilipino:

pagpapahintulot sa dayuhang magmay-ari ng eskwelahan/pamantasan: 68%
pagpapahintulot sa dayuhang indibidwal o kumpanyang magkaroon ng “equity” sa media at advertising: 71%
pagpapahintulot sa dayuhang pagmamay-ari sa komunikasyon gaya ng cellphone o internet company: 71%
pagpapalit ng sistema mula unitary patungong pederal: 71%
pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng gobyerno: 73%
pagtatanggal ng restriksyon sa shares ng stocks na maaaring pagmay-arian ng dayuhan sa mga korporasyong Pilipino: 78%
pagpapalit ng sistema mula presidential patungong parliamentary: 71%
pagpapalit ng lehislatura mula bicameral patungong unicameral: 74%
pagpayag na magmay-ari ng bahay at lupain ang mga dayuhan: 81%
pagpapahintulot sa mga dayuhang gamitin ang likas-yaman ng Pilipinas: 86%

  • decadentrebel@lemmy.worldM
    link
    fedilink
    English
    arrow-up
    2
    ·
    8 months ago

    Kasalanan din kasi ng mga (sic) “netizens” ito na pumapatol sa mga agent provocateur na nagkakalat sa internet. They will post topics that are intended to stir up your emotion about the constitution (e.g. babaan age requirement ng pangulo, taasan qualifications sa mga politico) and get charter change discussion jumpstarted.